"...Busy ka? Naku mukha nga... Tagal na
nating di nagkikita ah... Tagal mo na akong di
dinadalaw... Alam mo miss na kita... O, sino
yang nagtext sa iyo?... Buti pa sa kanya
nakapagreply ka agad... Napansin ko na ang dami
mong ginagawa talaga... Ang dami mo ring things-
to-do diyan sa planner mo ah! Mapangarap ka
talaga noh?... Ang dami mong plano... Nakakatuwa
naman na malaman yan. Kasama ba ako sa plano mo?
Ano? Naku di ka agad makasagot... Sige okay lang
alam ko naman kung ano talaga sagot mo... Nakita
kita nung Friday, aga natapos ng klase mo. Alam
mo ba, ang akala ko pupuntahan mo ako. Ooppss!
Hindi pala! Gigimik pala kayo ng mga friends mo.
Late ka ng nakauwi ah? Naghintay ako sa'yo.
Pagpasok mo sa kuwarto mo, di mo ako napansin...
Haaay! Kawawa ka naman... Siguradong kinabukasan
masakit ang ulo mo at tanghali ka na gigising...
Ang dami mong lakad, naghihintay ako na tayo
naman ang maging magkasama kaya lang sa dami ng
schedules mo para sa acads at sa labas ng school
parang malabo talaga... O sige na, balik ka na
sa pagaaral mo. May ginagawa ka pa yatang
research at magche-check ka pa ng iba mong
mails.
I might be eating too much of your time. Maging
dahilan pa ako para masira ang plano mo sa araw
na ito... Gusto ko lang sabihin sa'yo na nandito
lang ako kapag kailangan mo ako...Pag hindi ka
na busy. Totoo yon! Walang biro! Ayaw mong
maniwala? Ganon kita kamahal kasi! Ayaw mo pa
ring maniwala? Remember this, kahit singit lang
ako lagi sa buhay mo, kahit biglaan mo lang na
natatawag ako dahil nagulat ka, nasaktan ka,
nauntog ka o dahil part ang pangalan ko nung
binabasa mo sa text, YOU will be in my heart
always... Trials after trials isipin mo kasama
mo ako na lumalakad, hindi man sa buhangin,
kasama mo pa rin ako... Sa lahat plano mo, kahit
hindi mo ako kasama I would like you to know
that I am the one perfecting it... Para mas
maging masaya ka... Minsan tayo naman ang mag-
usap ha? Minsan ako naman ang dalawin mo... Miss
na talaga kita eh... Sa akin hindi ka singit
lang..."
JESUS
P.S.
"Paki post uli ha para naman malaman ng iba kung
gaano ako nanabik sa kanila... pero hindi kita
pinipilit...
at tsaka gusto ko lang sabihin sayo na
MAHAL NA MAHAL KITA!!!
Posted at 08:30 pm by tiklaas
Permalink